Naturukan na si Vice President Leni Robredo ng unang dose ng COVID-19 vaccine, araw ng Miyerkules (May 19).
Ayon kay Robredo, “Now being monitored. Everything has been seamless.”
AstraZeneca ang itinurok na bakuna kay Robredo.
Nagpa-book aniya siya ng appointment sa QC Protektodo site sa pamamagitan ng EZ Consult noong May 13, 2021.
Labing-walo aniya sila mula sa Office of the Vice President na nagpabakuna na kabilang sa A3 category ng vaccination priority list.
Nagpasalamat si Robredo sa vaccination team sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City.
Maayos aniya ang proseso ng pagbabakuna sa nasabing lugar.
“Magbakuna na din kayo para protektado kayo at ang lahat ng nakakasalamuha niyo. Tingnan niyo yung group pic namin. Maraming takot sa umpisa pero may konting yabang na nung nagpakuha ng litrato😘,” saad pa ni Robredo.