P375 milyong halaga ng droga, nasabat sa buy bust operation sa QC

 

Inquirer file photo

Aabot sa mahigit P375 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga alagad ng batas sa isang buy-bust operation sa Quezon City Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng National Capital Region Police Office, tinatayang aabot sa 75 kilo ng droga ang nakumpiska sa mga suspek na sina Wei Chang Lee at Henry Go Sy na pawang mga Chinese at Shan Wen Lee at  Chu Cheng Chu, mga Taiwanese.

Nakumpiska ang droga sa loob ng limang bag sa loob ng Starex van na sinasakyan ng mga suspek na dayuhan.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng QCPD sa isang fastfood chain sa Philcoa, Quezon City at dito naaresto ang mga suspek at nabawi ang droga.

Bukod sa droga, narekober din ng mga otoridad ang P1 milyong pisong marked money.

Nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Read more...