Pulis patay sa riding-in tandem sa Davao City

 

Agad na nasawi ang isang aktibong pulis makaraang pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo sa Davao City, Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktima na si SPO1 Librado Nalzaro, Jr na nakadestino sa Regional Personnel Holdings and Accounting Unit dahil sa pagkakasangkot sa paggamit umano ng iligal na droga noong 2015.

Ayon sa imbestigasyon, sakay ng kanyang motorisklo ang biktima ang binabagtas ang kahabaan ng Palma Gil nang dikitan ng mga suspek at pagbabarilin.

Hindi pa nakuntento, pinagbabaril pang muli ng mga suspek ang biktima kahit humandusay na ito sa kalsada.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung may kinalaman ang pagkakadawit ng biktima sa paggamit ng iligal na droga sa pagpatay dito.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang mga otoridad upang matukoy ang mga salarin sa krimen.

 

Read more...