Pag-ulan sa Palawan, Visayas at Mindanao asahan na ngayong araw

Makararanas ng kalat kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Palawan, Visayas at Mindanao ngayong araw.

Ayon sa PAGASA, dulot ito ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ.

Posible ayon sa weather bureau ang pagbaha sa nabanggit na mga lugar kung magkakaroon ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan dulot ng easterlies at localized thunderstorm.

Magdadala ang easterlies ng mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.

 

 

Read more...