Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, partikular na nakakaapekto ang ITCZ sa Palawan, Visayas at Mindanao.
Bunsod nito, asahan pa rin aniya ang kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa mga nabanggit na rehiyon.
Sa nalalabing bahagi naman ng bansa, magigng maaliwalas pa rin ang panahon.
Ngunit, may tsansa pa rin ng mga panandaliang pag-ulan dahil sa localized thunderstorsm dulot ng Easterlies.
Umiiral naman ang Easterlies sa malaking parte ng Luzon.
Sa ngayon, walang binabantayang bagyo o sama ng panahon ang weather bureau sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
MOST READ
LATEST STORIES