Ayon kay Comelec Comm. Aimee Ampoloquio, sa ngayon ang umiiral na campaign guidelines ay nakasentro pa rin sa face-to-face bagamat nagpapatuloy ang banta ng COVID-19.
Aniya, kung talagang hindi pa iiral ang face-to-face campaign, maaring magkaroon ng bagong uri ng pangangampaniya na magagamit ng mga kandidato.
Dagdag pa ng opisyal, pag-aaralan din nila ang naidaos na eleksyon sa ibang bansa sa gitna ng pandemya.
Samantala, sinabi ni Comelec Dir. James Jimenez na hindi pa maituituring na premature campaigning o may naging paglabag na sa pagsulputan ng mga banner o poster ng mga pulitiko kahit hindi pa panahon ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).