Ayon kay chief technology officer Rodolfo Santiago, masasabing ‘inferior’ pa ang kanilang serbisyo, lalo na sa kanilang connectivity speed sa mga lugar na mahirap paganahin ang kanilang SIM cards sa mas maraming cellphones.
Katuwiran niya, wala na silang 2G at 3G technologies na ginagamit sa analog phones o sa lumang cellphones kayat pag-amin niya, maaring hindi na ito uubra sa kanilang sistema at teknolohiya.
“Another pain point is the compatibility of voice over LTE services which the network offers for video calls which operate on voice call technology, not needing the interbet or online messaging apps,” dagdag pa niya.
Samantala, ibinahagi naman ni Dito chief executive officer Dennis Uy na sa ngayon ay gumagana na ang kanilang operasyon sa 100 lungsod at bayan sa bansa at mayroon na silang kalahating milyong subscribers.
Nakapagpatayo na rin sila ng higit 3,000 cellsites para mapalawak pa ang kanilang coverage at matupad ang pangako na makapagbigay ng 55 Mbps internet speed sa kalahati ng populasyon hanggang sa darating na Hulyo.
Wala pang 5G connectivity ang Dito, ngunit sinabi ni chief administrative officer Adel Tamano, mangyayari na ito sa nalalapit na panahon, gayundin ang pag-aalok nila ng postpaid plans.