Bilang ng mga lumalabag sa umiiral na Comelec gun ban, umabot na sa mahigit 3,400

 

Tatlong linggo bago sumapit ang halalan sa Mayo a-nueve ay mahigit sa tatlong libo at apatnaraan na ang nahuling lumabag sa gun ban na ipinatutupad ng Commission on Elections o COMELEC.

Kabuuang 3,410 ng mga paglabag ang naitatala ng Philippine National Police (PNP) kung saan hindi bababa sa tatlumput’apat katao araw-araw ang kanilang nasasakote dahil sa kaparehong paglabag.

Siyamnaput’anim na porsiyento ng mga nahuli ay pawang mga sibilyan na sinundan ng mga security guards na mayroon lamang point zero percent.

Read more...