Ito ang pahayag ng chief executive ng airport na si Arnaud Feist.
Pansamantalang isinara at itinigil ang operasyon ng Brussels airport sa loob ng labing dalawang araw matapos magdulot ng matinding pinsala ang naganap na suicide bombing sa departure hall na ikinamatay ng labing anim na katao.
Ayon kay Feist, basic service ang kanilang paiiralin sa muling pagbubukas ng airport at ang ilang pasilidad dito ay hindi pa fully renovated.
Simula aniya sa susunod na buwan, bubuksan na nila ang isandaan na check-in counters sa bahagi ng departure halls na napinsala ng pagpapasabog.
Matapos ang labing dalawang araw, pansamantalang binuksan ang airport ngunit nagsilbing check-in facility ang dalawang malaking puting tent kung saan 20 percent ng kanilang mga biyahe ang nag-operate ng normal.