Dalawa pang overseas Filipinos, nasawi bunsod ng COVID-19

Nasa 11 muli ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 18, nasa 18,629 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 94 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 6,091 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Isa naman ang bagong gumaling kung kaya 11,375 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

May bago ring napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,163 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 10,467 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,394 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 983 naman ang kaso sa Americas at 3,785 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...