BREAKING: Kabuuang bilang ng naitalang COVID-19 cases sa Pilipinas, higit 1.15-M na

Mahigit 4,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (May 18), pumalo na sa 1,154,388 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 52,291 o 4.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 4,487 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.2 porsyento ang asymptomatic; 1.29 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 1.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 110 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 19,372 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 6,383 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,082,725 o 93.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...