Walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang sa kaliwa’t kanang diplomatic protest na inihain ng Pilipinas dahil sa patuloy na pangangamkam ng teritoryo ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang tensyon ay ginagawa lamang ng mga kritiko sa Pilipinas.
Aminado si Roque na mayroong problema sa isyu ng West Philippine Sea pero ang malinaw, walang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Matatandaang binabatikos ng mga kritiko si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi paggigiit ng Pilipinas sa napanalunang kaso sa Permanent Court of Arbitration.
MOST READ
LATEST STORIES