LOOK: Naitalang heat index sa ilang lugar sa bansa (May 17)

Nakapagtala ng mataas na heat index ang ilang lugar sa bansa sa araw ng Lunes, May 17.

Sa datos ng PAGASA, umabot sa 47 degrees Celsius ang heat index sa Aparri, Cagayan (11:00 ng umaga) at Sangley Point, Cavite (2:00 ng hapon).

Naitala naman ng 46 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City, Pangasinan habang 45 degrees Celsius sa Laoag City, Ilocos Norte bandang 2:00 ng hapon.

Nasa 44 degrees Celsius naman ang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Ambulong, Batangas (2:00 ng hapon)
– NAIA Pasay City, Metro Manila (2:00 ng hapon)
– Tuguegarao City, Cagayan (2:00 ng hapon)

Samantala, naitala ang 43 degrees Celsius na heat index sa sumusunod na lugar at oras:
– Clark Airport, Pampanga (2:00 ng hapon)
– San Jose, Occidental Mindoro (11:00 ng umaga)

42 degrees Celsius naman ang naitala sa mga sumusunod:
– Casiguran, Aurora (2:00 ng hapon)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (2:00 ng hapon)
– Zamboanga City, Zamboanga del Sur (3:00 ng hapon)

Narito naman ang mga lugar na nakapagtala ng 41 degrees Celsius na heat index:
– Catbalogan, Western Samar (2:00 ng hapon)
– Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City (5:00 ng hapon)
– Dauis, Bohol (2:00 ng hapon)
– Davao City, Davao del Sur (12:00 ng tanghali)
– Iba, Zambales (2:00 ng hapon)
– Masbate City, Masbate (2:00 ng hapon)
– Science Garden Quezon City (2:00 ng hapon)

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...