Tatlong EDSA Busway concourse, pinasinayaan

Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang pribadong sector ang virtual groundbreaking ceremony para sa EDSA Busway concourse.

Tatlong EDSA Busway concourse ang itatayo ng isang malaking mall katapat ng kanilang tatlong mga mall; ang North Edsa, Quezon City, Ortigas at Pasay City.

Ayon kay Transport Sec. Arthur Tugade, walang gagastusin dito ang gobyerno dahil sagot ito ng pribadong sektor.

Paliwanag naman ni Eduardo Yap, isang busway advocate, malaki ang magiging pakinabang ng mga pasahero dito dahil sa mas maayos at magiging komportable ang gagamit dito.

Mayroong escalator at mas malawak ang dadaanan ng mga pasahero papunta at palabas ng busway concourse.

Sinabi naman ni Transport Asec. Mark Steven Pastor na mayroon pang karagdagang concourse na planong itayo katuwang ang pribadong sektor.

Read more...