Pangulong Duterte, nagbabala na mag-ingat sa bagong COVID-19 variant

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na mag-ingat sa bagong variant ng COVID-19.

Ayon sa Pangulo, dapat na maging handa ang pamahalaan at kailangang paigtingin pa ang sistema para maayos na matugunan ang bagong uri ng COVID-19.

Mas seryoso aniya ang nagsusulputang variant kung kaya kailangang isipin na ng pamahalaan ang worst case scenario.

Ayon sa Pangulo, mas matutuwa siya kung ipagpapatuloy ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na gagamitin para sa COVID-19 fight.

Kailangan kasi aniyang i-recalibrate ang pagresponde ng pamahalaan sa pandemya.

Una rito, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang India variant ng COVID-19 na mas delikado.

Read more...