Ayon kay Garbin, mayroong “ministerial duty” si House Speaker Lord Allan Velasco na aksyunan ang mga inihahain sa Kamara, kabilang na rito ang anumang impeachment complaint.
Giit pa ni Garbin, sumusunod lamang din ang Kamara sa rules na kailangang mai-kalendaryo ang reklamo at maisalang sa pagtalakay ng House Justice Committee.
Dahil dito, hindi aniya dapat sisihin si Velasco dahil hindi maaring balewalain ang mga panuntunan.
Oras na maisalang na sa House Committee on Justice impeachment complaint laban kay Leonen, tutukuyin kung ito ay “sufficient in form,” at “sufficient in substance.”
Pahayag ito ng kongresista dahil sa mga batikos na tinatanggap dahil sa pag-usad sa Kamara ng reklamong impeachment laban kay Leonen kahit na nasa gitna ng COVID-19 pandemic.