Bilang ng nasawi sa lindol sa Ecuador, pumalo na sa 77

 

Mula sa AFP

Umakyat na sa pitumpu’t pito katao ang bilang ng mga nasawi sa pagtama ng 7.8 magnitude na lindol sa Ecuador.

Ito ang kinumpirma ni Ecuador Vice President Jorge Glas.

Naramdaman ang matinding pagyanig sa Quito capital kung saan nagpalabas ng tsunami warning para sa mga residenteng naninirahan malapit sa mga baybayin.

Mula sa mga lugar na Portoviejo City, Manta City at Guayaquila na ilang daan milya lamang ang layo sa lugar kung saan tumama ang lindol ang mga napaulat na nasawi.

Ayon sa USGS, ang naturang lindol ay may lalim na 10 kilometers o anim na milya at tumama ito sa 173 kilometers west-northwest ng Quito at sa 27 kilometers south-southeast ng Muisne.

Matatagpuan sa Muisne ang mga fishing port na popular sa mga turista.

Dahil sa lindol, agad na nagdeklara ng state of emergency sa buong Ecuador.

Nanawagan naman si Ecuador President Rafael Correa na dumalo sa isang Vatican conference sa Rome sa kanyang mga kababayan na maging matatag sa kabila ng sakuna.

Read more...