Aktibong COVID-19 variant cases sa bansa, nasa 24 pa

Umabot na sa 7,250 COVID-19-positive samples ang dumaan sa sequencing ng Philippine Genome Center (PGC) at UP National Institutes Of Health (UP-NIH).

Sa nasabing bilang, 2,248 ang lumabas na variant cases base sa datos ng PGC Biosurveillance Report hanggang May 14.

24 variant cases naman ang nananatiling aktibo; pito sa B.1.1.7 (unang na-detect sa United Kingdom), pito sa B.1.351 (unang na-detect sa South Africa), siyam sa B.1.617.2 (unang na-detect sa India), at isa sa P.3 (unang na-detect sa Philippines).

Samantala, naka-recover na ang dalawang naitalang P.1 variant case. Una itong na-detect sa Brazil.

Muling binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na ang maiiwasan ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa pamamagitan ng istriktong pagpapatupad ng border control at quarantine protocols, pagsunod sa minimum public health standards, tuluy-tuloy na implementasyon ng PDITR strategies ng mga LGU, at ang pagbabakuna.

Read more...