15,763 pasyente sa Maynila, nabakunahan sa loob ng isang araw

Manila PIO photo

Naabot ng Manila City government ang all-time high COVID-19 vaccination record sa loob ng isang araw noong Lunes, May 17, 2021.

Sa datos ng Manila Health Department (MHD) hanggang 8:40 ng gabi, umabot sa 15,763 pasyente ang nabigyan ng bakuna sa isang araw.

Umaasa naman si Mayor Isko Moreno na dadami pa ang mababakunahan sa lungsod.

Inaasahan kasing makatatanggap pa ang Manila COVID-19 Vaccine Storage Facility ng Sta. Ana Hospital.

Read more...