Deputy Chief of Police sa Tarlac, pumanaw dahil sa COVID-19

Nasa 105 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (May 18), 22,207 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 1,383 ang aktibo pang kaso.

128 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, 20,582 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Isa naman ang napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Pumanaw ang isang 48-anyos na Deputy Chief of Police sa isa sa mga munisipalidad sa Tarlac.

Bunsod nito. 62 na ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...