Mga hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 palpak ayon kay Rep. Zarate

Muling binatikos ni Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang mga hakbang ng pamahalaan laban sa COVID-19. Sa kanyang privilege speech sa pagbabalik ng sesyon ng Kamara, sinabi ni Zarate na mahigit isang taon na pero naka-lockdown pa rin ang bansa. Marami rin aniya ang namatay at patuloy na nagkakasakit pero wala pa rin mass testing at seryosong contact tracing. “Isang taon, dalawang buwan, isang araw nang naka-lockdown ang mga Pilipino; Mahigit isang milyon na ang nagkasakit ng COVID-19, na laganap pa rin sa buong bansa; Kung saan mahigit labing-siyam na libo ang namatay dahil sa sakit; Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring free mass testing, seryosong contact tracing, at libreng gamutan,” saad ni Zarate. Sa kabila anya ng marami ang nagugutom at walang pera para sa ayuda mas inuna ang pamahalaan ang pagkakaroon ng artificial white beach sa Manila Bay. “Dalawangpu’t dalawang milyong mga Pilipino ang nagugutom; Walang pera para sa ayuda;Inutang ang kalakhan sa mga pondo para sa pambili ng bakuna; Pero sa kabila nitong lahat, at least mayroon tayong pera para sa artificial white beach sa Manila Bay,” dagdag ng mambabatas. Dahil anya sa kagutuman at kawalan ng hanapbuhay, marami ang umasa sa mga community pantries pero napasama pa ang nagtayo ng mga ito dahil sa ginawang red-tagging ng NTF-ELCAC.

Read more...