Deputy Speaker at Misamis Oriental Rep. Henry Oaminal positibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Deputy Speaker Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal. Sa kanyang Facebook page, inanunsyo ni Oaminal nakaranas siya ng pananakit ng katawan at lagnat. Dahil dito, sumailalim siya sa swab test at dito lumabas na positibo siya sa COVID-19. “I regret to inform you that I have tested positive for COVID-19. I was swabbed after experiencing body malaise and fever,” saad ni Oaminal. Agad na iniulat niya ito sa City Health Office at sa lokal na pamahalaan ng Ozamiz City. Sa ngayon, sinabi ni Oaminal na siya ay naka-quarantine na habang ang kanyang bahay ay naka-lockdown. Nananawagan naman si Oaminal sa lahat ng kanyang mga nakasalamuha niya mula noong May 15 na tumugon sa contract tracing at magboluntaryong mag-quarantine. Dagdag ng mambabatas, “In compliance with our COVID-19 protocols, I am requesting all those who have been in contact with me since May 15, 2021 to call the City Health Office for contact tracing purposes, and to go on voluntary quarantine. May 14, 2021 was the last day I tested negative.”

Read more...