Rep. Sharon Garin ibinalik bilang chairman ng Committee on Economic Affairs

Sa pagbabalik ng sesyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos ang kanilang summer break, ibinalik bilang chairperson ng House Committee on Economic Affairs si AAMBIS-OWA Rep. Sharon Garin.

Pinalitan ni Garin si Aklan Rep. Teodorico Hareso Jr.

Magugunitang sinipa si Garin sa puwesto sa kasagsagan ng girian sa pagitan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano at ngayon ay House Speaker Lord Allan Velasco.

Isa si Garin sa lantarang sumusuporta para maluklok noon sa puwesto si Velasco.

 

Read more...