(Senate PRIB)
Sa pagbubukas muli ng sesyon kahapon, ipinasa na ng Senado ang tatlong local bills.
Sa 22 boto, inaprubahan ng Senado ang House Bill No. 8664, na layong hatiin ang lalawigan ng Bataan sa tatlong legislative districts mula sa kasalukuyang dalawa.
Nakasaad sa panukalanga batas na ang Unang Distrito ng lalawigan ay bubuuin ng mga bayan ng Hermosa, Orani, Samal, at Abucay; makakasama naman sa Ikalawang Distrito ang Balanga City, at ang mga munisipalidad ng Orion, Pilar, at Limay.
Samantala, ang Ikatlong Distrito ay bubuuin ng mga bayan Bagac, Mariveles, Morong, at Dinalupihan.
“The additional district ensures a more effective delivery of unparalleled public services, and the Bataan electorate can look forward to a more responsive governance from their elected representatives,” sabi ni Sen. Francis Tolentino, ang nag-sponsor ng panukala sa Senado.
Sa pag-sponsor din ni Tolentino, ang namumuno sa Senate Committee on Local Government, pumasa sa third and final reading ang House Bill No. 5944 na layon ideklara ang Abril 28 ng kada taon bilang special working holiday sa lalawigan ng Aurora para gunitain araw ng kamatayan Dona Aurora Aragon-Quezon.
Ayon kay Tolentino, si Aragon-Quezon ang itinuturing na unang First Lady ng Pilipina, ay nakilala sa kanyang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga Filipina na makaboto.