Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, bunsod ng ITCZ, asahan ang maulap ang kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Surigao provinces, Davao region, Soccsksargen, at maging sa Eastern Visayas.
Samantala, patuloy na makararanas ng mainit at maalinsangang panahon ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa.
Payo ng PAGASA, iwasan muna ang anumang outdoor activities dahil sa tindi ng init ng panahon lalo na sa pagitan ng 12:00 ng tanghali hanggang 3:00 ng hapon .
Gayunman, ani Perez, posibleng makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms, lalo na sa Silangang bahagi ng Katimugang Luzon.
Sa ngayon, walang binabantayang bagyo o sama ng panahon sa loob at labas ng teritoryo ng bansa.