Ayon sa Department of Transportation (DOTr), 45.82 porsyento nang tapos ang nasabing proyekto sa ngayon.
Ang PNR Clark Phase 1 project ang magkokonekta sa Malolos, Bulacan, at Tutuban, Manila.
Oras na maging operational na ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minuto na lamang ang biyahe sa pagitan ng Malolos, Bulacan at Tutuban, Manila.
Inaasahang aabot sa 300,000 pasahero ang kayang maserbisyuhan nito.
Maliban dito, tinatayang 7,500 katao ang mabibigyan ng trabaho habang isinasagawa ang konstruksyon ng proyekto.
Samantala, 2,000 trabaho naman ang bubuksan oras na maging operational ang kabuuan ng naturang proyekto.
Bahagi ito ng North-South Commuter Railway (NSCR) Project.