Ayon kay Department of Trade and Industry Assistant Secretary Dominic Tolentino, sa ngayon ay mahigit 24 milyong face mask na ang naipamahagi sa publiko.
Washable aniya ang mga face mask na ginagawa ng mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
Bukod dito, ang mga patahian aniya na nawalan din kita ay kanilang kinuha upang makatulong sa pagtatahi ng mga face mask.
Kabahagi aniya nila sa programa ang DOST, DSWD at ang Department of Health.
Tinatahi aniya ang mga nasabing face mask sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang mga mananahi, sabi ni Tolentino, ay kabilang sa mga 4Ps beneficiary ng pamahalaan kaya madaling natukoy.
Nasa 35 milyong face mask anya ang unang plano na tahiniin at ipamigay pero ngayon ay ginawa na itong 40 milyon.
Sa pagtaya ng opisyal, matatapos ito hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Hulyo.
Aabot aniya sa 300,000 hanggang kalahating milyong piraso ng facemask ang kayang tahiin sa loob ng isang linggo ang mga mananahi na kinuha ng pamahalaan.