Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (May 17), pumalo na sa 1,149,925 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 54,235 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 5,979 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
93.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.0 porsyento ang asymptomatic; 1.25 porsyento ang moderate; 2.0 porsyento ang severe habang 1.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 72 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 19,262 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 6,602 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,076,428 o 93.6porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.