Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, ipatutupad sa May 18

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo sa ilang produktong petrolyo.

Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.

Batay sa anunsiyo ng Cleanfuel, Petro Gazz, Seaoil at Shell, may dagdag na P0.20 sa kada litro ng gasolina.

P0.20 naman ang tapyas sa presyo ng kada lito ng diesel sa Petro Gazz, Seaoil at Shell habang walang pagbabago sa Cleanfuel.

Wala ring magiging pagalaw sa bawat lito ng kerosene ng Seaoil at Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (May 18).

Dakong 8:01, Martes ng umaga naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...