Tiwala si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na mas magiging matatag ang ekonomiya ng bansa kapag nailabas na ang implementing rules and regulations o IRR ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act ngayong linggo.
Ayon kay Salceda, pangunahing may-adkda ng CREATE Act sa Kamara, nangako ang Department of Finance (DOF) na simula ngayong May 17 ay sisikapin nilang tapusin at mailabas na ang IRR ng batas.
Dahil dito, inaasahan ni Salceda na tataas na ang bilang ng mga malilikhang trabaho sa bansa sa second quarter ng taon na malaking tulong sa mga Filipino na nawalan ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya, gayundin ang pagpasok ng mga malalaking mamumuhunan sa bansa.
Sa ilalim ng CREATE mula sa 30% ay ibinababa sa 25% simula sa July 2020 ang corporate income tax rate rate ng mga kumpanya at 20% naman sa sa mga MSMEs.
Maliban dito may mga insentibo, special corporate income tax holiday at iba pang benepisyong nakapaloob para sa mga exporters, enterprises at iba pang negosyo.