Hinikayat ni Senator Joel Villanueva na gamitin ang hindi nagamit na P19.bilyong calamity fund sa 2020 at 2021 budget para pondohan ang pagsasaayos ng nasunog na bahagi ng Philippine General Hospital.
Kinailangan na ilikas ang mga sanggol na nasa incubators at mga pasyente na naka-intubate dahil sa sunog.
“That is the only way to describe the plight of COVID-19 patients ending up as fire victims. Kaya po mahalagang masimulan ang pag-repair sa PGH dahil libu-libong kababayan natin ang umaasa sa kanilang kalinga at aruga,” sabi ng senador.
Paalala niya hindi lamang ang mga pasyente ng PGH ang maaapektuhan kundi maging ang may-sakit na dadalhil sa ospital dahil sa pagkabawas ng kapasidad.
Aniya maaring magamit ang unused calamity funds para mapabilis ang pagsasaayos ng PGH gayundin para sa expansion ng ospital.
Nabatid na sa P25.14 bilyong calamity fund ng gobyerno ngayon taon, P2.9 bilyon pa lamang ang nagagamit.