Onsite operations ng GSIS main office, branches magbabalik simula ngayon araw

Magbubukas na muli ang lahat ng sangay, kasama na ang main office ng GSIS sa Pasay City simula ngayon araw.

Ito ay dahil umiiral na ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at sa apat na lalawigan, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, na kasama sa NCR Plus bubble.

Ngunit sa inilabas na abiso ng GSIS, ang kanilang onsite operations ay apat na oras lamang kada araw, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, Lunes hanggang Biyernes.

Ito ay para na rin sa kaligtasan ng kanilang mga kawani at kliyente.

Ang aplikasyon para sa loans at claims ay isasagawa sa pamamagitan ng eGSISMO, GWAPS kiosks o sa mga drop boxes sa kanilang mga opisina

Samantala, ang pagsasagawa ng annual pensioners’ information revalidation o APIR at mananatiling online.

Read more...