Tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez na kasama na sa order of business ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang reklamong impeachment laban kay Supreme Court Justice Marvic Leonen.
Ayon kay Romualdez, makakasama ito sa kanilang agenda sa loob ng unang tatlong araw simula magbalik ang kanilang sesyon bukas matapos ang summer break.
Ito rin ayon sa mambabatas ay base sa atas ni House Speaker Lord Allan Velasco.
Sinabi rin ni Romualdez, na siyang chairman ng House Committee on Rules na pag-uusapan ng kanyang komite ang referral sa impeachment complaint laban kay Leonen.
“Last March 25, Speaker Lord Allan Jay Velasco transmitted the impeachment complaint filed by Mr. Edwin M. Cordevilla and endorsed by Ilocos Sur 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba to our committee. We will act on it and include it in the order of business,” saad ni Romualdez.
Bukod dito, prayoridad ng Kamara ang pagtalakay at pagpasa sa P405.6-billion Bayanihan 3 bago ang kanilang adjourn sine die adjournment sa June 4.
“We need Bayanihan 3 to help ensure that the economy recovers quickly from the coronavirus disease-19-induced crisis in a strong, sustainable, and resilient manner,” pahayag ni Romualdez.
Dagdag pa nito, “We only have three weeks to pass this vital measure that will help our fellow Filipinos who are all affected by the pandemic, and we are confident that before we adjourn, we will be able to pass the measure.”