Konstruksyon ng Bicol International Airport patapos na – Sec. Tugade

Inanunsyo ni Transport Secretary Arthur Tugade na malapit nang matapos ang konstruksyon ng Bicol International Airport.

Sa kanyang inspeksyon sa ginagawang paliparan sinabi ng kalihim na nasa 82.22 percent na itong tapos.

Ito anya at makalipas ang 13 taon kasama na ang tatlong groundbreaking ceremonies.

Ayon kay Tugade, “Hangarin ko ‘ho na matapos ang konstruksyon, at maging operational ang Bicol International Airport bago matapos ang taong ito.”

Dagdag pa niya, “Matagal na panahon na pong hinintay ng mga Bicolano ang pagtatapos nitong Bicol International Airport. Magda-dalawang dekada na. Bago pa tayo dumating, mayroon nang tatlong groundbreaking ang nagawa rito. Ngayon, 82.22% complete na ho ang proyekto. Malapit nang matapos ang aktwal na konstruksyon nito. Puspusan po ang trabaho at ginawa po nating 24/7 upang masigurong matatapos ito sa itinakdang panahon, nang hindi masasakripisyo ang kalidad ng paggawa.”

Sabi ng kalihim, ang airport development project ay magdadala ng kaginhawaan at kasaganahan sa ekonomiya at pamumuhay ng mga taga Bicol.

“Dahil din sa tuloy-tuloy na trabaho, inaasahan natin na makapagbibigay ang proyektong ito ng kabuhayan sa ating mga kababayang Bicolano. Sa katunayan, ngayong itinatayo ang airport, mahigit 755 na kababayan natin ang nabigyan ng trabaho. 1,100 na trabaho naman ang inaasahan nating mabubuksan oras na maging opeational na ang airport,” saad ni Tugade.

Read more...