Karagdagang bakuna hiniling nga Cagayan de Oro dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases

Umapela si Deputy Speaker Rufus Rodriguez sa inter-agency task force na agad magpadala ng mas maraming bakuna sa Cagayan de Oro City dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 doon.

Ang agarang apela ni Rodriguez na kinatawan rin sa ikalawang distrito ng lungsod ay laman ng hiwalay na sulat kina Health Secretary Francisco Duque lll at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Binangggit ng kongresista ang ulat ng  OCTA research group na ang CDO ay ‘area of concern’ dahil sa 75-percent na pagtaas ng impeksyon.

Naniniwala si Rodriguez na kayang dagdagan ng national government ang alokasyong bakuna sa kanilang lugar dahil marami namang dumating na Sinovac at AstraZeneca vaccines noong nakaraang weekend.

Base sa datos ng DOH, mahigit 100 ang bagong Covid cases na nadagdag sa CDO kahapon na may kabuuang 6, 065 cases.

 

 

Read more...