Calatagan, Batangas nilindol

Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas kaninang 11:04 ng umaga, Mayo 15.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), wala namang naitalang intensity sa mga kalapit na lugar.

Nabatid na nasa 13 kilometers southwest ng Calatagan ang epicenter ng lindol.

May lalim ang lindol na 94 kilometers.

Wala namang naiulat na nasirang ari-arian matapos ang lindol.

Read more...