Bumaba na ng 30 percent ang average new cases ng COVID-19 sa National Capital region kada araw.
Ayon sap ag-aaral ng CTA Research group, mula Mayo 9 hanggang 14, nasa 1,644 na lamang ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw, mas mababa ng 30 percent kumpara noong nakaraang linggo.
Ayon pa sa OCTA, bumaba ng 12 per 100,000 ang average daily attack rate sa NCR.
Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 1,131, 467 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 18, 985 ang bilang ng mga nasawi habang 1,053, 523 ang gumaling.
MOST READ
LATEST STORIES