Dalawampu’t walo katao, patay sa 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Ecuador

ecuadorNiyanig ng 7.8 magnitude na lindol ang Ecuador kahapon, Sabado ayon sa ulat ng US Geological Survey.

Naramdaman ang matinding pagyanig sa Quito capital kung saan nagpalabas ng tsunami warning para sa mga residente.

Kinumpirma naman ni Ecuador Vice President Jorge Glas na aabot sa dalawampu’t walo ang nasawi dahil sa malakas na lindol.

Labing anim aniya dito ay sa Portoviejo City, sampu sa Manta City at dalawa sa Guayas province.

Ayon sa USGS, ang naturang lindol ay may lalim na 10 kilometers o anim na milya at tumama ito sa 173 kilometers west-northwest ng Quito.

Base sa pagtataya ng Pacific Tsunami Warning Center, posibleng magkaroon ng tsunami waves sa mga baybayin na 300 kilometers ang layo sa epicenter ng lindol.

Umabot din aniya ang pagyanig sa hilagang bahagi ng Peru.

Dahil sa lindol, agad na nagdeklara ng state of emergency sa buong Ecuador.

Read more...