Panawagan ni CBCP president Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, magdasal gamit ang rosaryo araw-araw hanggang sa eleksyon sa May 9.
Ang kapangyarihan aniya ng rosaryo ang pipigil sa anumang pandaraya na maaaring maganap sa araw ng eleksyon.
Makatutulong din ani Villegas ang pagdadasal ng rosaryo para maging mapayapa at makatotohanan ang darating na halalan.
Nakikiisa si Villegas sa pamamagitan ng pagro-rosaryo araw-araw sa lahat ng mga katoliko sa paglaban sa anumang kasamaan na pipigil sa pagpili ng isang botante sa kanilang gustong iboto.
Paalala ni Villegas, ang pinakamagandang kontribusyon ng bawat isa sa nalalapit na eleksyon ay ang pagdarasal.