Comelec magkakaroon ng bagong hotline sa mismong araw ng eleksyon

comelec bldgMaglalaan ang Commission on Elections (Comelec) ng bagong hotline na tatanggap sa mga concerns at tanong ng mga botante sa eleksyon sa May 9.

Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, ipinag-utos na ng ahensiya ang pagtatalaga ng 2 million peso Voter Care Center para sa May 9 elections.

Sa mismong araw aniya ng eleksyon ay magkakaroon ng hotline na maaaring tawagan ng mga botante kung may mga problema silang mararanasan.

Ang 2 million pesos na budget ay para sa telecommunication system at malalaking monitors na makikita kahit nakapuwesto sa malayo.

Sa kabila nito, nakatanggap agad ng batikos ang ideya ni Guanzon.

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, magsasayang lamang ng pera sa gagawin hakbang na ito ng ahensiya.

Paliwanag ni Lim, trabaho na ng National Technical Support Center (NTSC) ang pagtanggap ng lahat ng automation-related concerns sa araw ng eleksyon.

Habang ang Command Center naman ang hahawak sa iba pang election-related concerns katulad na lamang ng security at logistics.

Giit ni Lim, sapat na ang mga ito at hindi na kailangan magtayo ng Voter Care Center.

Read more...