Truck ban sa Metro Manila, ibabalik na sa May 17

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibabalik na ang truck ban sa Metro Manila simula sa Lunes, May 17.

Kasunod ito ng deklarasyon ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng truck ban policy, bawal bumiyahe ang mga truck sa mga kalsada sa Metro Manila na binabantayan ng MMDA, mula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Sabado.

“A total truck ban is enforced along EDSA, from Magallanes Interchange in Makati City to North Avenue in Quezon City, 24 hours from Monday to Sunday,” saad ng ahensya.

Exempted naman ang mga truck na may dalang mga nasisira at agricultural foodstuff.

Read more...