Ayon kay PAGASA weather specialist Ana Clauren, huling namataan ang LPA sa bisinidad ng Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur bandang 3:00 ng hapon.
Magdadala pa aniya ito ng pag-ulan sa Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Soccsksargen, Surigao del Norte at Dinagat Islands.
Inaasahang magtutungo ang LPA sa Sulu Sea sa susunod na anim hanggang 12 oras.
Posible rin aniyang tumawid sa Palawan ang naturang sama ng panahon kung kaya’t asahang makararanas ng pag-ulan sa nasabing lugar sa araw ng Linggo, May 16.
Samantala, Easterlies ang nagdudulot ng pag-ulan sa bahagi ng Eastern Visayas.
Pananatili namang maaliwalas ang panahon sa Luzon at ilang parte pa ng Visayas ngunit maaring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan dahil sa Easterlies at localized thunderstorms.