BREAKING: Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 58,986; 6,784 ang nadagdag

Lagpas sa 6,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (May 14), pumalo na sa 1,131,467 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabi kasing bilang, 58,986 o 5.2 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 6,784 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

93.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.3 porsyento ang asymptomatic; 1.13 porsyento ang moderate; 1.8 porsyento ang severe habang 1.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 137 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 18,958 o 1.68 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 2,972 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,053,523 o 93.1 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...