LOOK: Philippine flag-inspired costume ni Rabiya Mateo

Hango sa bandila ng Pilipinas ang isinuot ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo para sa National Costume competition ng 69th Miss Universe.

Sa Instagram, ibinahagi ni Mateo ang larawan ng kaniyang pagrampa suot ang naturang costume.

Makikita na bahagi ng national costume ang pakpak na kulay pula at asul, na may tatlong bituin kung saan nirerepresenta ang Luzon, Visayas at Mindanao.

“Tonight was a good night. I had fun. That’s what really matters,” saad ng 24-anyos na beauty queen sa IG post.

Binanggit din ni Mateo na pakiramdam niya ay para siyang Victoria’s Secret angel sa naturang costume.

Idaraos ang coronation night ng pretihiyosong pageant sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Florida sa Amerika sa May 17, oras sa Pilipinas.

Read more...