Inaasahang lalagdaan ang term sheet para sa procurement ng 40 milyong doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng Pfizer-BioNtech para sa Pilipinas sa araw ng Biyernes, May 14.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., naaprubahan na ang tinatawag na ‘head of terms’ at nakapirma na ang global representatives.
Pipirmahan aniya nila ito ni Health Secretary Francisco Duque III sa araw ng Biyernes.
Sa ngayon, nakatanggap na ang bansa ng 193,050 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.
Nagmula ang naturang bakuna sa COVAX facility na pinangungunahan ng World Health Organization (WHO).
MOST READ
LATEST STORIES