Dadagdagan pa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang kanilang tagapagsalita.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Joel Egco, isa sa mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC, bukod sa mga national spokespersons, magkakaroon na rin sila ng tagapagsalita sa bawat rehiyon.
Sa kasalukuyan, walo na ang mga tagapagsalita ng NTC-ELCAC.
Kabilang na sina:
- Lt. General Antonio Parlade
- PCOO Undersecretary Lorraine Marie Badoy – Social Media Affairs, Sectoral Concerns
- DILG Undersecretary Jonathan Malaya – Local Government Affairs, Barangay Development Program, International Engagement
- Undersecretary Severo Catura (of the Presidential Human Rights Committee Secretariat) – International Affairs, Peace Process, Human Rights Concerns
- Assistant Secretary Celine Pialago of MMDA – NTF-ELCAC Public Affairs and Information, Youth Concerns
- Atty. Marlon Bosantog (of the National Commission on Indigenous Peoples) – Legal Affairs, Indigenous Peoples Concerns
- Gayedelle Florendo – Assistant Spokesperson on NTF-ELCAC Public Affairs and on Indigenous Peoples Concerns
Sinabi ni Egco na walang sweldo na matatanggap ang mga tagapagsalita ng NTF-ELCAC sa mga rehiyon.
MOST READ
LATEST STORIES