Sa resulta ng survey na isinagawa sa buong bansa sa 1,200 na respondents o panel members, statistically tied sina Poe at Duterte.
Nakakuha ng 34 percent si Poe habang 33 percent naman si Duterte.
Si Duterte ang nanguna sa Metro Manila at Mindanao habang top pick naman si Poe sa Luzon at Visayas.
Sa vice presidential survey, umakyat sa unang puwesto si Camarines Sur Rep. Leni Robredo habang bumaba sa pangalawang puwesto sina Senators Ferdinand “Bongbong” Marcos at Francis “Chiz” Escudero.
Sa isinagawang survey, binigyan ng libreng mobile phones ang mga respondent kung saan sinagot nila ang mga katanungan.
Ang naturang mga respondents ay rehistradong botante ang kwalipikadong bumot sa darating na eleksyon sa May 9.