Patay sa dalawang malakas na lindol sa Japan umakyat na sa 32

Japan lindol1
(Koji Harada/Kyodo News via AP)

Umakyat na sa 32 ang naitalang patay sa Mashiki, Kumamoto Japan matapos ang magkasunod na malakas na lindol, habang tinatayang nasa 1,500 katao naman ang naitalang nasugatan at ilang daanglibong kabahayan ang nawalan ng suplay ng kuryente at tubig.

Minamadali na rin ng rescuers maging ng Japanese army na mapabilis ang pag-rescue sa mga na-trap sa kanikanilang bahay, makaraang magdulot ng pagguho ng lupa ang 7.3 at 6.5 magnitude na lindol sa tumama sa Japan.

Ayon kay Kumamoto prefectural official Riho Tajima, sa 7.3 magnitude na lindol na tumama sa Kumamoto region timog-kanluran island ng Kyushu 22 ang namatay, habang 10 naman ang nasawi sa 6.5 magnitude earthquake na muling tumama sa Kyushu.

Batay sa mga ulat ng Japanese Media, tinatayang nasa 200, 000 households ang walang suplay ng kuryete habang nasira naman ang dringking water systems sa lugar. Sa pagtataya umaabot sa 400, 000 kabahayan ang walang suplay ng tubig.

Sa ulat naman ni Tajima 184 ang nasa malubhang kalagayan, 91,000 ang kinailangan ilikas sa kanilang tahanan. Mahigit 200 naman bahay at gusali ang nawasak o nasira.

Nagpaabot naman ng pag-alala si Prime Minister Shinzo Abe sa posibleng ikalawang trahedya, dahil posibleng mauwi sa mudslides ang lupang gumuho dulot ng dalawang malakas na lindol dahil batay sa forecasters ng Japan posibleng umulan sa mga sumunod na araw na may dalang malakas na hangin.

“Daytime today is the big test” for rescue efforts,” ani Abe.

Read more...