Manila LGU, nakumpleto na ang pamamahagi ng ‘ECQ ayuda’

PHOTO: Manila PIO

Nakumpleto na ng Manila city government ang pamamahagi ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) financial aid sa 380,820 pamilyang benepisyaryo sa lungsod.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, natapos ang pamamahagi sa loob ng 35 araw simula nang umpisahan ito ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) noong April 6.

“Thank you sa national government. Dumating ang tulong ninyo thru the effort ng aking mga kasamahang naglilingkod sa Pamahalaang Lungsod ng Maynila. We give credit when it’s due and to whom it’s due,” pahayag ng alkalde.

Nasa 6,421 persons with disabilities, 4,241 solo parents, at 20,335 katao na kabilang ang vulnerable groups ang nabigyan din ng emergency financial assistance mula sa gobyerno.

Nakatanggap din ng financial assistance ang 9,072 pamilya na hindi kabilang sa inisyal na listahan ng DSWD beneficiaries.

“Nauunawaan ko po ang karanasan ninyo sa mga panahong ito, kaya po patuloy na kikilos ang Pamahalaang Lungsod upang mabigay ang inyong mga benepisyo mula sa lokal o pambansang pamahalaan man ‘yan,” ani Moreno.

Read more...