Consular offices ng DFA, sarado sa May 13 para sa paggunita ng Eid’l Fitr

Sarado ang Office of Consular Affairs ng Department of Foreign Affairs sa Aseana at lahat ng Consular Offices (COs) sa araw ng Huwebes, May 13.

Ito ay para sa paggunita ng Eid’l Fitr.

Pinaalalahanan naman sa mga apektadong aplikante ukol sa mga sumusunod:

– Magbabalik sa May 14, 2021 ang nakatakdang passport services para sa appointments mula March 31 hanggang April 5, 2021 sa OCA Aseana at COs sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

– Magbabalik din sa May 14, 2021 ang nakatakdang passport accommodation services mula May 13, 2021 sa pamamagitan ng courtesy lane facility sa OCA Aseana at COs sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

– Sa May 14, 2021 rin ang pagbabalik ng authentication/apostille at iba pang consular services sa OCA Aseana na nakatakda noong May 13, 2021. Para sa NCR COs, inabisuhan ang mga aplikante na makipag-ugnayan ukol sa revised schedule.

– Balik din sa May 14, 2021 ang consular services ng regularly operating COs sa labas ng NCR Plus Bubble Area, maliban na lamang kung may deklarasyon ang LGU na makakaapekto sa operasyon ng CO.

“Please be advised that the schedules are still subject to sudden changes due to unforeseen circumstances or implemented policies of local governments and establishments which host DFA Consular Offices,” paalala ng kagawaran.

Ayon pa sa DFA, lahat ng papasok sa Consular offices ay magkakaroon ng temperature check, kailangan magsuot ng face mask at face shield, at sumunod sa iba pang public health measures habang nasa loob ng CO.

Limitado naman ang bilang ng mga papapasuking indibidwal sa loob ng CO kada oras.

Bahagi ito ng kanilang pagtalima sa social distancing measures upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Read more...